Tuesday, October 25, 2022

Sanaysay: Bayani

Marami satin ay mayroong modelo sa ating buhay, maaring ito ang ating magulang o isang publikong modelo. Hinahangaan natin sila dahil sa taglay nitong katangian kagaya ng katapangan at katalinuhan. Mayroon rin akong hinahangaan sa buhay at ang aking modelo sa kasalukuyan.  Siya si Andres Bonifacio. Alamin natin kung bakit ito ang aking hinahangaan. 

Si Andres Bonifacio (1863-1897) ang nagtatag ng Katipunan, isang militanteng nasyonalistang lihim na lipunan na nanguna sa paghihimagsik laban sa Espanya. Idineklara ni Bonifacio ang kalayaan ng Pilipinas noong 1896 pagkatapos ng pagbitay sa kanyang bayani at tagapagturo na si José Rizal. Isa siyang matapang na bayani dahil pinaglaban nya ang ating kalayaan sa mga Espanol. Si Andres Bonifacio ay muntik narin maging presidente ng ating bansa subalit dahil sa opinyon ng mga mamamayan ng Pilipinas na naganap sa botohan ay hindi sya nagwagi. Kahit hindi sya nagwagi, siya parin ang aking tinuturing na presidente dahil sa pinamalas nyang katapangan nagkaron ng kalayaan ang ating bansa.

Sa rami ng ating hinahangaan, mananatili parin ang bayani na aking ipagmamalaki. Isa siyang modelo na dapat natin hanggaan dahil sa taglay nitong katapangan. Katapangan na nagbigay satin ng kalayaan. Kaya ikaw, sino ba ang iyong hinahangaan sa buhay?

Sunday, October 2, 2022

Salawikain

     Ang salawikain ay isang tradisyonal at mga matalinhagang salita na may malalim na kahulugan. Ito ay kadalasan isang gabay o payo, hugot lines at mga salitang naghahayag ng pangarap.

Halimbawa nito ay:

Ang taong hindi marunong isabuhay ang wika, ay daig pa ang kawawang bata.

Answer: Inihahayag dito ang tungkol sa ating wika na kung saan ang taong hindi marunong isabuhay o igalang ang wika ay isang kahihiyan bilang Pilipino.

Sanaysay: Bayani

Marami satin ay mayroong modelo sa ating buhay, maaring ito ang ating magulang o isang publikong modelo. Hinahangaan natin sila dahil sa tag...