Tuesday, October 25, 2022

Sanaysay: Bayani

Marami satin ay mayroong modelo sa ating buhay, maaring ito ang ating magulang o isang publikong modelo. Hinahangaan natin sila dahil sa taglay nitong katangian kagaya ng katapangan at katalinuhan. Mayroon rin akong hinahangaan sa buhay at ang aking modelo sa kasalukuyan.  Siya si Andres Bonifacio. Alamin natin kung bakit ito ang aking hinahangaan. 

Si Andres Bonifacio (1863-1897) ang nagtatag ng Katipunan, isang militanteng nasyonalistang lihim na lipunan na nanguna sa paghihimagsik laban sa Espanya. Idineklara ni Bonifacio ang kalayaan ng Pilipinas noong 1896 pagkatapos ng pagbitay sa kanyang bayani at tagapagturo na si José Rizal. Isa siyang matapang na bayani dahil pinaglaban nya ang ating kalayaan sa mga Espanol. Si Andres Bonifacio ay muntik narin maging presidente ng ating bansa subalit dahil sa opinyon ng mga mamamayan ng Pilipinas na naganap sa botohan ay hindi sya nagwagi. Kahit hindi sya nagwagi, siya parin ang aking tinuturing na presidente dahil sa pinamalas nyang katapangan nagkaron ng kalayaan ang ating bansa.

Sa rami ng ating hinahangaan, mananatili parin ang bayani na aking ipagmamalaki. Isa siyang modelo na dapat natin hanggaan dahil sa taglay nitong katapangan. Katapangan na nagbigay satin ng kalayaan. Kaya ikaw, sino ba ang iyong hinahangaan sa buhay?

No comments:

Post a Comment

Sanaysay: Bayani

Marami satin ay mayroong modelo sa ating buhay, maaring ito ang ating magulang o isang publikong modelo. Hinahangaan natin sila dahil sa tag...