Sunday, September 18, 2022

Alamat

 Ang Alamat ay isang kwento na hindi naglalaman ng katotohanan o isang pantasya. Ito rin ay nagbibigay ng isang aral na makakatulong sa ating pangaraw-araw. Madalas itong basahin sa mga bata.

Halimbawa ay:

                                                 Ang Alamat ng Lapis

  Ako si Ana. Kami ay nakatira sa isang bukid, kasama ko ang aking ina at ama. Kami ay masayang pamilya. Bawat araw kami ay nagsasalo-salo sa isang lamesa. Nagdadasal at maligayang kumakain magkasama. Pagkatapos naming kumain, tinanong ko sila. “Ina at ama, aking nais na pumunta sa lungsod upang makita ang kagandahan nito. Maari ba akong pumunta?” ani ko. “Sige, aking anak. Ikaw ay magiingat sa iyong paglalakbay.” ani ng aking magulang. Sa aking galak, ay mabilis kung inayos ang aking gamit. “Ina ama, aalis na ho ako.” pamamaalam ko sa aking magulang at sabay na kumaway. Ang aking magulang ay kumaway rin at naiiyak dahil sa emosyon. “Ang ating anak ay nasa tamang edad na. Oras na upang tuklasin nya ang mga bagay bagay.” sambit ng ina ni Ana. Ako’y naglakbay mula sa ilog at kagubatan maabot lang ang lungsod. Sa aking pagod, ako’y nagpahinga sa ilalim ng puno. “ Haiz, ako ay pagod na pagod sa aking paglalakbay. Hindi naman yata masama….na pumikit ako ng unti….” saad ko na unti unti ng nakatulog.

        Unti unti akong dumilat at sa aking pagdilat ay may nakita akong kakaibang bagay. “Ahhhhhhhh!!!” aking sigaw. “Kumalma ka munting bata. Ako’y magpapakilala, ako si Lapin. Isa akong mahiwagang bagay na…” pangunguwestyon nitong saad sa sarili.  “ Lapin? Isa kalamang bagay na hindi pamilyar saakin pero bakit marunong kang magsalita? Isa kabang materyal na ginawa ng lungsod?” aking sunod-sunod na pagtatanong. “Hindi korin alam kung anong bagay ako at mukang hindi rin ako ginawa ng lungsod. Matagal na akong nakatira sa punong ito  at hindi ko inaasahan na makakita ng isang katulad mo. Ako’y lamang ay nadala ng pagiging mausisa.” sagot ng bagay na ito.  “Ako si Ana, gusto mobang sumama saaking paglalakbay, ipapakita ko sayo ang ibang lugar na hindi mopa nakikita.” galak kung pagaaya. Ang bagay na ito ay nagaalangan pero sumama rin saakin. Kami ay naglakbay papuntang lungsod at nakatagpo ng mga bagay na kakaiba na aming kinagalak. “A! ito na  ang lungsod” aking masayang sambit. Tinignan ko si Lapin kung saan manghang-manghanga rin ito sa nakikita. Ako’y pumunta sa isang tindahan na may mga palamuti sa buhok. “Ale, magkano po i-“ naputol na sambit ko ng may isang lalaking humablot na lamang nito. “Ale, kukunin kona ito magkano?” saad ng lalaki. Sa aking inis, kinonpronta ko ang lalaki. “Sandali ho, ako ang unang nakakuha nito” panghahamon kong saad. Tinignan lamang ako nito at umalis. Pinigilan kong sugurin ang lalaki dahil narin sa espresyon ni Lapin. Habang tumatagal, napapansin ko si Lapin na nanghihina. “Lapin, may problema ba?” aking pagaalalang tanong. “Wala naman, Ana” saad nito. Gumaan ang aking loob ng madinig ito. Isang taon na, ng pumunta ako ng lungsod at kasama si Lapin. Masayang-masaya ako dahil marami akong nabuong memorya kasama siya. Naglaro,nagtawanan at iba pa na tinuturing kong mga magandang ala-ala.

     Isang araw, nakikita kung hinang hina na si Lapin. “Lapin, anong problema? Halika na dadalhin ki-“ pinutol ni Lapin ang aking salita. “Ana, ako’y natutuwa na ika’y aking naging kaibigan. Dahil, hindi ako isang tao at kakaibang nilalang mayrong hanganan ang aking pamumuhay bilang isang mahiwagang bagay. Sa oras, na ikaw ay aking kasama ako’y  nagagalak na may nabuo akong masayang memorya kasama ka.” hinang hina na saad ni Lapin. “Pagkatapos, kung mawalan ng buhay. Mayroong isang bagay na malambot sa taas ng aking parte na tinuturing kung nagsasaad ng ating masayang alaala. Sa ibabang parte naman ay isang matalim na tusok na magdadaan ang simbolo kung gaano katalim at malalim ang ating pinagsamahan.” saad nito. Unti-unting pumikit si Lapin na aking iniyakan ng sobra. Nagdaan ang mga araw, nakita konalamang ang isang matigas na may malambot na bagay sa taas na parte at matalim na bagay sa ibabang parte mula sa kinalalagyan ni Lapin. Ito na kaya ang sinasabi saakin ni Lapin? pagtatanong ko sa sarili. Ako’y nabuhay na may dalang memorya na kasama siya. “Ina! handa nadaw po ang ating pagkain.”sambit ng isang bata. “Pababa na aking anak tatapusin kolamang ito” sambit ko. Inayos ko ang aking gamit at aking panulat na nagsisilbing alaala ni Lapin.

Kalaunan, napasa ni Ana sa henerasyon sa henerasyon ang kanyang alaala na panulat kung saan maraming tao na ang gumagamit sa kasalukuyan. 

                                                      

Ngayon ay may nga katanungan akong ibabahagi sainyo.

1. Ano ba ang titulo ng Alamat?

2. Ano ang mensahe na ihinahatid nito saatin?


No comments:

Post a Comment

Sanaysay: Bayani

Marami satin ay mayroong modelo sa ating buhay, maaring ito ang ating magulang o isang publikong modelo. Hinahangaan natin sila dahil sa tag...